top of page

MTIT, pinangunahan ang Investment Stakeholder Consultation on Investment Locations in BARMM

  • Diane Hora
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ng Ministry of Trade, Investments and Tourism sa pamamagitan ng Bureau of Investments ang Investment Stakeholder Consultation on Investment Locations in BARMM mula 27–28, 2026 sa Cotabato City.


Binibigyang-diin ng inisyatiba ang mahalagang paggamit ng likas-yaman ng BARMM na sumasaklaw sa 11.17 porsiyento ng kabuuang lupain ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatatag ng komprehensibong profiling system para sa strategic land-based investments sa agriculture, industry, at tourism.


Nakatuon ang pagtitipon sa pag-standardize ng data collection, pagtukoy ng lokasyon na angkop sa priority economic activities, at pagpapalakas ng inter-agency coordination sa pagitan ng public at private sectors.


Nagharap din sa pulong ang iba’t ibang partisipante kabilang na ang regional government agencies at local assessors, para bumuo ng consolidated database na susuporta sa evidence-based planning at targeted investment promotion.


Ang hakbang na ito ayon sa MTIT ay core component ng mas malawak na istratehiya ng ministray upang i-angat ang ekonomiya ng rehiyon, na mahigpit na sinusuportahan ni Minister Farserina Mohammad.


Inaasahang magpo-produce ang pulong ng validated inventory ng key investment zones at isang standardized monitoring mechanism upang matiyak ang long-term sustainability sa investment landscape ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page