MUHADARAH LECTURE Isinagawa ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program na nakatutok sa kahalagahan ng ramadan at spiritual purification
- Mar 5
- 1 min read
iMINDSPH

Ang ikalawang Muhadarah Lecture ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program na nakatutok sa kahalagahan ng ramadan at spiritual purification ay isinagawa, araw ng Miyerkules, March 4.
Sa kanyang mensahe sinabi ni KAPYANAN Legal Officer Atty. Norjanna Lacoto na higit pa sa lecture ang Muhadarah, isa aniya itong paalala ngayong banal na buwan ng ramadan kung saan ginagabayan ng paniniwala at pananampalataya ang bawat aksyon at nagiging haven of honesty ang lugar na pinagtatrabahuhan at pagkakaroon ng respesto sa bawat isa.
Ibinahagi naman ni Shiekh Khairodin Midtimbang ang paalala sa physical at spiritual aspects ng Ramadhan, at hinikayat ang mga lumahok na palalimin pa ang kanilang koneksyon sa kanilang pananampalataya.
Magpapatuloy ang Muhadarah Lecture series upang magbigay ng spiritual growth at reflection.



Comments