top of page

MUHADARAH LECTURE SERIES Muling inilunsad ng Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) Program – Project Management Office ngayong buwan ng ramadan

  • Feb 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa temang “Ramadhan is the Month of Closeness, the Season of Unity, and the Banishment of Dissension,” muling inilunsad ng Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) Program – Project Management Office ang Muhadarah Lecture Series na tinaguriang FAITH ESSENTIALS 5.0


layunin ng serye ng mga lecture na palakasin ang values development at espiritwal na paglago ng mga kalahok.


Noong Huwebes, Pebrero 26, 2026, nagtipon ang mga kawani ng KAPYANAN para sa inaugural lecture na pinangunahan ni Sheikh Faisal Banda Into. Sa kanyang talakayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Qur’an at ang malalim na ugnayan nito sa buwan ng Ramadhan. Hinikayat din niya ang mga dumalo na magpasalamat sa Allah at humingi ng kapatawaran sa mga nagdaang pagkukulang.


Nagpahayag naman ng pasasalamat si Engr. Nissan Bai Ukat-Mangatong, Chief ng Engineering Unit, sa pamunuan ng KAPYANAN sa patuloy na pag-oorganisa ng naturang inisyatiba. Aniya, nagsisilbing huwaran na rin ang programang ito para sa iba pang tanggapan.


Sa kanyang closing remarks, hinikayat ni Sheikh Shaidy Montañer ang mga kalahok na sulitin ang serye ng mga lecture. “Gugulin natin ang oras sa pakikinig sa mga aral at payabungin ang ating mga kaluluwa,” aniya.


Magpapatuloy ang Muhadarah Lecture Series sa mga susunod na linggo, na may layuning magbigay-inspirasyon at higit pang palakasin ang espiritwal na kamalayan ng komunidad ng Bangsamoro sa panahon ng Ramadhan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page