Murder suspect sa General Santos City, arestado matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest
- Teddy Borja
- Oct 7
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang lalaki matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest na nahaharap sa kasong murder.
Kinilala ng awtoridad ang suspek sa alyas na “Tata”, 48-anyos.
Inaresto ito, alas 11:30 ng umaga, araw ng Linggo, October 5 sa Barangay Labangal ng syudad.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 35, General Santos City.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 8 ang suspek para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago ito i-turn over sa korte ng pinagmulan ng kaso.



Comments