Murder suspek sa Malapatan, Sarangani Province na kabilang sa Top 9 Most Wanted Person ng PNP PRO 12, timbog matapos isilbi ang Warrant of Arrest
- Teddy Borja
- Oct 16
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang Top 9 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong murder.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jack”.
Inaresto ito araw ng Martes, October 14 sa Barangay Kinam sa isinagawa na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO.
Dinala na sa Malapatan MPS ang suspek para sa wastong dokumentasyon at proper disposition.



Comments