top of page

NAGHAHANDA NA SA DARATING NA ASEAN ENGAGEMENT ang Bangsamoro Government; Pagtitipon, ikinasa ng MINDA upang muling pagtibayin ang commitment sa subregional cooperation

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Pinangunahan ito ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang pulong kung saan nagtipon ang mga ahensya ng pamahalaan, regional stakeholders, at sectoral leaders upang isalin ang mga prayoridad ng BIMP-EAGA sa konkretong programa na nakaayon sa pambansa at rehiyonal na development goals. Ginanap ito mula Marso 25-26 sa Palawan.


Ayon kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, bahagi ang pakikilahok ng BARMM sa mas malawak na paghahanda para sa ASEAN Summit upang matiyak na malinaw na naipapahayag ang mga prayoridad ng rehiyon.


Binigyang-diin niya na mahalagang maisakatuparan ang mga plano sa konkretong resulta para sa komunidad, at hindi lamang manatili sa plano at diskusyon.


Itinampok din ng Interim Chief Minister ang turismo at transportasyon bilang mga sektor na nangangailangan ng mas pinaigting na kooperasyon, lalo na sa pagpapabuti ng konektibidad sa mga hiwa-hiwalay na lugar sa rehiyon.


Aniya, ang mga hamon sa konektibidad ay dapat magsilbing oportunidad upang makabuo ng mas maayos at koordinadong solusyon.


Nagsilbi rin ang pulong bilang paghahanda ng Pilipinas para sa BIMP-EAGA Summit na gaganapin sa Cebu ngayong Mayo, kung saan ilalatag ang mga pangunahing programa sa transportasyon, kalakalan at pamumuhunan, ICT, turismo, agribusiness, at kapaligiran.


Ipinakita ng partisipasyon ng BARMM ang layunin nitong magkaroon ng mas aktibong papel sa pagsusulong ng BIMP-EAGA Vision 2035, partikular sa inclusive growth at pagpapalawak ng oportunidad sa ekonomiya.


Patuloy ring inaayon ng Bangsamoro Government ang mga programa nito sa ilalim ng “Mas Matatag na Bangsamoro”, na nakatuon sa kooperasyon, konektibidad, at people-centered development.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page