top of page

NAGKAPATAWARAN AT NAGKASUNDO NA ang mga pamilyang may hindi pagkakaunawaan sa bayan ng Sultan Mastura, kabilang na ang pamilya ni Mayor Datu Armando Mastura Sr makalipas ang 3 taon

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH

Naging emosyonal ngunit masayang muling pagkikita ang naganap sa pagitan ng mga pamilyang Panansaran, Silo, Rondao Batao, at pamilya ni Mayor Datu Mando Mastura matapos ang mahigit tatlong taong hindi pagkakaunawaan.


Ginanap ang pagtitipon noong Abril 2, 2026 sa Barangay Tambo, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na magkaayos, magpatawaran, at muling buuin ang ugnayan bilang magkakamag-anak.


Ayon kay Mayor Datu Mando Mastura, mahalaga ang muling paglapit ng bawat miyembro ng pamilya upang mapalakas ang kanilang samahan at mapanatili ang kanilang tradisyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng oras, kwento, at emosyonal na suporta sa isa’t isa.


Aniya, ang pagtitipon ay naging pagkakataon upang muling magkakilala at magkaunawaan ang mga magkakamag-anak na matagal ding hindi nagkita, sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang buhay.


Inamin din ng alkalde na hindi niya napigilan ang kanyang emosyon sa nasabing okasyon, kung saan umabot sa iyakan at yakapan ang muling pagsasama ng mga pamilya.


Dagdag pa ni Mastura, mahalaga ang ganitong pagtitipon upang maipasa sa nakababatang henerasyon ang kanilang pinagmulan, kultura, at kasaysayan, kasabay ng pagpapatibay ng pagkakaisa at pagmamahalan sa loob ng pamilya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page