top of page

NAGKASUNDO NA Ang 2 pamilya sa Lamitan City, Basilan sa pangunguna ni Governor Mujiv Hataman

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang pakikipagkasundo o reconciliation ay isa umano sa tinuturing malaking ibadat o debosyon sa Maykapal ayon kay Governor Muniv Hataman.


Sumentro naman sa konsepto ng brotherhood sa Islam ang mensahe ni Alih Siddik. Pinasalamatan niya ang mga lider sa kanilang papel. Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Hji. Bon Lahaman sa lahat ng mga pinunong tumulong upang maisakatuparan ang kanilang pagsulut.


Saksi sa makasaysayang pag-aayos na ito sina BGen Frederick Sales ng 1101st Infantry Brigade, Commander Rajan Abdurahman, MILF Representative, PCOL Cerazid Umabong, PNP at

Mufti Munir Muluk, ng BUSC.


Tinapos nina Siddik at Hji. Lahaman ang kanilang hidwaan sa pamamagitan ng simbolikong pakikipagkamay at pagpirma sa kasunduan. Isang patunay na mas matimbang ang pagkakaisa kaysa sa anumang hidwaan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page