NAGLABAS NG SAMA NG LOOB si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua laban kay MP Lanang Ali Jr
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa Chief Minister, ang katulad umano ni MP Ali Jr ang magiging dahilan ng pagbasak ng UBJP. Inihambing din ni Macacua ang pag-uugali ni MP Ali Jr sa yumaong ama at sa kapatid nito na si Eng. Mohajirin Ali na ayon sa punong ministro ng BARMM ay napakalayo sa pag-uugali ni MP Ali Jr.
Minsan na rin umano niyang kinasaup si MILF Chairman Ahod Balawag Ebrahim patungkol kay MP Ali Jr.
Sa post ng Chief Minister, nabanggit din nito, na may mga ulama umano na kumausap kay chairman Ebrahim na nababahala sa mga political party.
Sinabi ni CM Macacua na tiniyak umano ni chairman Ebrahim na walang problema hinggil dito, ang mahalaga umano ay miyembro ng MILF ang nagtataguyod ng partido.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit napakalinaw ng pagkakaunawa umano ni chairman Ebrahim sa katotohanan ng parliamentary form of government at ng coalition government.



Comments