Nagpapatuloy ang road clearing operations sa ilang pangunahing kalsada sa Mawab, Davao de Oro kasunod ng mga naitalang landslide
- Feb 20
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang road clearing operations na isinasagawa ng Davao de Oro Provincial Engineer’s Office at ng Department of Public Works and Highways Davao de Oro kaugnay sa nangyaring landslide sa National Highway, Km. 74, Barangay Sawangan, Mawab kung saan apektado ang dalawang lane ng daan. Sa kabila nito, maaari pa rin itong daanan ng mga motorista.
Bukod dito, nagpapatuloy din ang clearing operations sa nangyaring mudslide sa Nabunturan–Maragusan Road, partikular sa Barangay Katipunan, Maragusan.



Comments