top of page

NAGTAPOS SA PRE-KINDERGARTEN ang 129 mag-aaral sa Pahamuddin, SGA; MSSD, pinangunahan ang moving-up ceremony

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Matagumpay na isinagawa ng MSSD ang mass Moving-Up Ceremony ng Cluster 1 Child Development Centers (CDCs) noong Marso 25, 2026 sa Barangay Simsiman, bayan ng Pahamuddin.


May temang “Batang Bangsamoro: Simbolo ng Pag-asa, Hinuhubog ang Pangarap para sa mas Matatag na Bukas”, kabuuang 129 na mag-aaral mula sa anim na CDC ang nagtapos sa Pre-Kindergarten Program ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at handa nang pumasok sa Kindergarten sa susunod na taon.


Sa programa, binigyang-diin ng MSSD ang kahalagahan ng edukasyon at patuloy na pagsuporta sa pag-unlad ng mga bata.


Dumalo rin ang mga kinatawan ng LGU at barangay na nagpahayag ng suporta sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.


Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng mga Child Development Workers (CDWs), LGU, BLGU, at mga community volunteers.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page