NAHIRAPANG SUMAKAY NG JEEP Ang mga mag-aaral at empleyado sa iba’t ibang tanggapan dahil sa ipinatupad na tigil pasado ng isang transport group sa Cotabato City ngayong araw
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ilang oras nang naghihintay ng masakyan si Jun Ponce, messenger ng isang banko sa Cotabato City.
Payo niya sa mga nagbabalak mag commute, huwag na munang tumuloy sa lakad.
Labis din na naapektuhan ng tigil pasada ang maraming mag-aaral.
Sobrang init at hirap sa pagpunta sa paaralan at pag-uwi sa bahay dahil sa sitwasyon ngayon. Ito naman ang sinabi mag-aaral na sina Gyrel at Mark.
Nagpatupad ng tatlong araw na tigil pasada, simula ngayong araw, ang mga miyembro ng NDVOTCO Cooperative na may rutang orc village patungong, supermarket, old market, college areas. Magtatagal hanggang March 25 ang transport strike ng grupo.
Tinukoy na dahilan ng NDVOTCO ay ang sobrang taas ng presyo ng langis at kawalan naman ng fare increase.



Comments