NAHULI NA GUMAGAMIT NG ILEGAL NA DROGA Ang 2 indibidwal sa Parang, Maguindanao del Norte na ikina-aresto ng mga ito
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang dalawang indibidwal matapos maaktuhang umano’y gumagamit ng ilegal na droga sa isang abandonadong bahay.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas na “Mel”, 46-anyos, at “Mark”, 23-anyos, kapwa residente ng Lawaan, Barangay Poblacion I, Parang, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat, rumesponde ang mga tauhan ng Parang Municipal Police Station matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad sa droga sa loob ng isang abandonadong bahay sa Barangay Poblacion I.
Pagdating sa lugar, nadatnan ang dalawang lalaki na aktong gumagamit umano ng ilegal na droga gamit ang improvised drug paraphernalia.
Agad silang inaresto at nakumpiska mula sa kanilang posesyon ang mga improvised drug paraphernalia na pinaniniwalaang ginamit sa naturang paglabag. Isinagawa rin ang tamang imbentaryo at dokumentasyon sa lugar.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments