Naitatalang nasawi sa 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cebu umabot na sa 35 habang 37 naman ang naiuulat na sugatan
- Diane Hora
- Oct 1
- 1 min read
iMINDSPH

VIDEOS:
Umabot na sa tatlumpu’t lima ang naitatalang nasawi sa 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cebu. Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 5 kilometers, dalawampu’t isang kilometro northeast ng Bogo City.
Patuloy pa rin na nakakaranas ng aftershocks ang buong lalawigan.
Ito ang mga kuha ng netizen mula sa iba’t ibang lugar sa Cebu sa pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol alas 9:59 kagabi.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 5 kilometers, dalawampu’t isang kilometro northeast ng Bogo City.
Maraming gusali ang gumuho kabilang na ang maraming simbahan.
Nawalan din ng suplay ng kuryente ang maraming lugar tulad ng Daanbantayan, San Remegio at Bogo City.
Suspendido na ang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa buong probinsya ng Cebu.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilan pang probinsiya.
Naitala ang Intensity V sa Argao, Cebu; Sipalay, Negros Occidental; Lapu-Lapu at Tacloban.
Intensity IV sa San Fernando, Cebu; Bulan; Bulusan; Casiguran, Sorsogon; Roxas City, Capiz; Himamaylan City, Negros Occidental; Ubay, Bohol; Lawaan, Eastern Samar; Laoang, Northern Samar; Catbalogan City; Dipolog City, Zamboanga Del Norte.
Intensity III sa Legazpi City, Albay; Iriga City, Camarines Sur; Donsol, Sorsogon at Tibiao, Antique.
Naitala din ang Instrumental intensities sa iba pang bahagi ng Cebu, Leyte, Masbate, Sorsogon, Biliran, Capiz, Northern Samar, Southern Leyte at Davao Del Sur.



Comments