top of page

NAKAANTABAY SA BARMMAA MEET 2026 ang PDRRMO EMTs at Red Cross para sa kaligtasan at medikal na pangangailangan ng mga atleta

  • Apr 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinagawa ang ikalawang araw ng BARMMAA Meet 2026 Pencak Silat competition sa Notre Dame of Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte noong April 14, 2026—


Kung saan nakaantabay ang Emergency Medical Technicians at Quick Response Team ng PDRRMO Maguindanao del Sur, katuwang ang Cotabato City Red Cross.


Sa aktibidad, rumesponde ang team sa ilang atleta ng Pencak Silat na nagtamo ng injury habang isinasagawa ang kanilang mga laban.


Karamihan sa mga pasyente ay agad na nabigyan ng first aid sa lugar at ibinalik sa kanilang coaches matapos ang assessment.


Samantala, isang lalaking atleta ang dumaing ng pananakit matapos tamaan sa laban.


Agad itong binigyan ng paunang lunas kabilang ang cold compress at dinala sa Iranon District Hospital sa Parang, Maguindanao del Norte para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.


Nanatiling nakaantabay ang PDRRMO-MDS EMTs, Quick Response Team, at Cotabato City Red Cross upang tiyakin ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga atleta at kalahok sa buong aktibidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page