top of page

NAKIBAHAGI SA HAJJ AWARENESS PROGRAM ang MOH-BARMM upang tiyakin ang kalusugan, kaligtasan at kahandaan ng mga pilgrim para sa Hajj 2026

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinagawa ang Hajj Awareness Program ng Bangsamoro Pilgrimage Authority na pinangunahan ni Engr. Al Kashmir Ko sa Notre Dame Village Central Elementary School sa Rosary Heights VIII, Cotabato City noong April 12 at 13, 2026—


Kung saan nakibahagi ang Population Division, Quarantine Division, at Health Emergency Management Staff ng MOH-BARMM.


Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang kauna-unahang Hajj Simulation Activity upang maipakita at maipaliwanag sa mga kalahok ang bawat hakbang ng Hajj rituals bilang paghahanda sa kanilang paglalakbay sa Makkah.


Namahagi naman ang Quarantine Division ng fans, IEC materials at health pamphlets para sa ligtas na biyahe.


Nagbigay rin ang Population Division ng migrant health kits.


Nakaantabay din ang Health Emergency Management Team bilang standby medics para sa agarang responde sa anumang medikal na pangangailangan.


Umabot sa 451 Hajj pilgrims mula sa iba’t ibang lalawigan ng BARMM ang lumahok sa aktibidad.


Layunin ng programa na tiyakin ang kalusugan, kaligtasan at kahandaan ng mga pilgrim para sa Hajj 2026.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page