top of page

NAKIISA SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION Sa Cotabato City ang MSSD BARMM sa pangunguna ng BWC, kasama ang BMOAs, CSOs, women advocates at development partners

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Bilang bahagi ng sama-samang pagtutok sa karapatan ng kababaihan, nakibahagi ang MSSD sa kick-off ng 2026 National Women’s Month ngayong Marso 9, 2026 sa Cotabato City. Sa pangunguna ng Bangsamoro Women Commission (BWC), ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang Bangsamoro ministries, offices, and agencies (BMOAs), civil society organizations, women advocates, at development partners.


Ayon sa MSSD, ipinagdiriwang ang Women’s month ngayong taon sa temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society” na naglalayong itaguyod ang pamumuno ng kababaihan na nakaugat sa kultura, kasaysayan, at komunidad.


Sa okasyong ito, muling pinagtibay ng mga institusyon sa BARMM ang pangako na itaguyod ang karapatan ng kababaihan, palakasin ang gender-responsive governance, at pagtibayin ang sama-samang hakbang tungo sa mas inklusibo at pantay na lipunan.


Sa mensahe ni MSSD Minister Atty. Raissa Jajurie, binigyang diin niya na patuloy ang MSSD sa pagpapaigting ng MSSD sa mga programang nagbibigay-lakas at proteksyon sa kababaihang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page