Namahagi ng bigas ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa mga empleyado ng kapitolyo
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang katuwang si provincial administrator Nur Ali Midtimbang, tinanggap ng mga empleyado ng provincial government ang sako ng bigas, araw ng Biyernes, February 20.
Hindi lamang ito simpleng suporta kundi isang pasasalamat sa sipag, loyalty at patuloy na dedikasyon ng mga empleyado sa public service ayon sa pamahalaang panlalawigan
Sa pamamagitan ng mga programang ito ayon sa provincial government, tinitiyak ng administrasyon na ang bawat empleyado ay pinahahalagahan, sinusuportahan at kinikilala ang kanilang mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.



Comments