Namahagi ng tig-sampung kilo ng bigas sa 65 sikad drivers sa Cotabato City ang tanggapan ni MP Tomanda Antok
- Feb 20
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang distribusyon noong araw ng Miyerkules, February 18.
Ayon sa opisina, ang inisyatiba ay bunga ng personal na pangako ni MP Antok na patuloy na maglingkod at umalalay sa mga manggagawang araw-araw nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Layunin ng programa na kilalanin ang sakripisyo ng mga sikad drivers na walang sawang bumibiyahe upang kumita ng marangal na kabuhayan. Sa gitna ng pag-aayuno at paggunita ng Ramadhan, ang karagdagang suplay ng bigas ay inaasahang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nagpaabot din ng panalangin ang opisina na nawa’y maghatid ng barakah o biyaya ang simpleng tulong na ito sa bawat tahanan, at magsilbing dagdag-lakas sa kanilang patuloy na paghahanapbuhay sa marangal at tapat na paraan.
Patuloy naman ang opisina sa mga programang nakatuon sa pag-abot at pag-angat sa mga sektor na tahimik ngunit mahalagang bahagi ng komunidad, lalo na ngayong buwan ng Ramadhan.



Comments