Nanatili ang presyo ng mga bilihin sa palengke at walang naitalang pagtaas matapos ang holiday season. Gayunman, ayon sa ilang vendor, matumal umano ang mga mamimili.
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Tinungo ng news team ang ilang pamilihan sa lungsod ngayong araw. Ayon sa ilang vendor, kapansin-pansin ang kahinaan ng bentahan.
Dagdag pa ng ilan, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagiging matumal ng bentahan ay ang dami ng nagtitinda sa palengke. Sa presyo ng bigas at isda, walang paggalaw ang naitala. Ayon sa ilang vendor ng bigas, nananatiling mabenta pa rin ang mga pangunahing uri ng bigas na karaniwang inihahain sa hapag-kainan, tulad ng Jasmine at 7-tonner.
Inamin naman ng ilang nagbebenta ng isda na maayos ang bentahan nitong mga nagdaang araw, ngunit humina ito pagsapit ng Enero 1, kung kailan halos wala umanong naitalang kita. Ito ay dahil mas pinili ng mga tao na magpahinga o bumisita sa iba’t ibang lugar matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ilan sa mga mamimili ang nagsabing kaya pa rin ng kanilang budget ang presyo ng mga bilihin sa palengke.
Sa ngayon, narito ang presyo ng mga bilihin sa merkado:
Asukal ay nasa ₱60 kada kilo
ang naman ay mass Native coffee – ₱445
Ang presyo ng ay nasa Hipon ₱160– ₱230 per kilo
Tilapia – ₱220
Bariles – ₱220
Tulingan – ₱240
Bangus – ₱240
Matambaka – ₱240–₱250
Salawasi – ₱160
Native manok – ₱200
Hanggang sa susunod na market alert, ka-iMINDS!



Comments