NANATILING NUMBER 1 AT OUTSTANDING SPECIAL PROGRAMAng AMBaG sa mga programa sa ilalim ng Office of the Chief Minister
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Muling kinilala ang AMBaG Program bilang Number One at Outstanding Special Program ng Office of the Chief Minister (OCM), patunay ng patuloy nitong mataas na performance sa paghahatid ng serbisyong medikal sa Bangsamoro.
Ayon sa pamunuan, sumasalamin ang parangal sa dedikasyon, commitment, at kahusayan ng buong team sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga benepisyaryo.
Kinilala rin sa aktibidad ang mga natatanging empleyado ng programa. Ginawaran bilang Outstanding Employees sina Cecille Guidoga, Melvin Ellarina, Al-Jaysser Abas, Sittie Jihanee Abdullah, at Haironnesa Maneged dahil sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapatakbo ng programa.
Binigyang-diin na ang kanilang performance ay nagsisilbing inspirasyon upang mapanatili ang integridad, kahusayan, at malasakit sa serbisyo.
Sa kabila ng mga tagumpay, nananatiling nakatuon ang AMBaG Program sa layunin nitong maghatid ng accessible at responsive na serbisyong medikal sa mga nangangailangan, sa ilalim ng temang “Kalinga at Serbisyo, Ito ang AMBaG ng Bangsamoro”.



Comments