NANLUMO ANG ILANG DRIVER SA COTABATO CITY Sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Naglabas ng hinaing ang ilang driver ng mga pampublikong sasakyan sa Cotabato City sa posibleng pagtaas ng presyo ng kada litro ng langis dahil sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Hati ang naging reaksyon ng ilang driver sa Cotabato City sa ipinatupad na piso hanggang piso at siyam na sentimong taas presyo sa kada litro ng petrolyo nitong Martes.
Ayon kay Norhan Mohammad, 43 anyos at labindalawang taon nang namamasada, hindi pa gaanong ramdam para sa kanya ang dagdag-presyo ngayong linggo.
Samantala, ayon naman sa isang payong-payong driver, nahihirapan na rin sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Hiling niya na sana ay bumalik na sa dating presyo ang produktong petrolyo.
Sa patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, umaasa ang mga motorista at mamamayan na magkaroon ng malinaw na solusyon at suporta upang hindi tuluyang mabigatan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.



Comments