Nasamsam ng awtoridad sa ikinasang Search Warrant Operation sa South Cotabato
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Sadam”, nasa hustong gulang, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay. Nakarekober ang mga operatiba ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 24.4 gramo.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Martes, February 24.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa qualitative at quantitative examination ng South Cotabato Provincial Forensic Unit.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 laban sa suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Provincial Prosecutor’s Office.



Comments