Nasamsam sa Gensan; Drug suspect, arestado sa search warrant operation
- Feb 20
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos makumpiskahan ng mahigit ₱94,000 halaga ng suspected shabu sa isinagawang search warrant operation.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules, Pebrero 18, 2026 sa Barangay Fatima ng syudad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ranger,” 34 taong gulang, may asawa, self-employed, at residente ng nasabing barangay.
Sa pagpapatupad ng search warrant, nasamsam ang apat na sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 13.6 gramo at may tinatayang National Standard Drug Price na ₱94,480.00. Nakarekober din ang mga operatiba ng iba’t ibang drug paraphernalia at personal na gamit mula sa loob ng bahay ng suspek.
Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 7 katuwang ang SWAT/CMFC-GSCPO, Gensan MARPSTA, at Joint Task Force Gensan sa ilalim ng Police Regional Office 12
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 7 ng General Santos City Police Office ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay ihaharap sa korte na nag-isyu ng search warrant, habang ang mga hinihinalang ilegal na droga ay isusumite sa Regional Forensic Unit 12 sa General Santos City para sa qualitative at quantitative examination.
Pinuri ni Arnold Pardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mga operatiba sa matagumpay na koordinasyon at mabilis na aksyon.



Comments