NASAWI ANG 10 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA-MAUTE GROUP sa intelligence driven operation ng government forces sa Lanao del Sur; Sanggol, nasagip ng awtoridad sa operasyon
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi sa intel-driven operation ng government forces sa Lanao del Sur, ang sampung diumano’y miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group, ngayong araw ng Biyernes, April 17.
Ayon sa 1st Infantry Division ng Philippine Army, pinangunahan ang operasyon ng
103rd Infantry “HARIBON” Brigade, katuwang ang CIDG, RSOT, at mga awtoridad ng BARMM.
Ayon sa militar, ang mga napatay ay sangkot diumano sa Munai ambush noong Enero 23, 2026 sa Lanao del Norte na ikinasawi ng apat na sundalo at ikinasugat ng isa pa.
Sa bakbakan ayon sa 1st ID, walang naiulat na casualty sa panig ng gobyerno.
Sa clearing operations, nakarekober ang mga tropa ng iba’t ibang baril, isang explosive device, at mga bahagi ng improvised explosive.
Isang sanggol din ang ligtas na nasagip at agad na nabigyan ng medikal na atensyon.
Itinuturing ng militar na malaking dagok ito sa natitirang pwersa ng DI-Maute Group sa rehiyon, kasunod ng matagumpay na koordinasyon ng military, police, at intelligence units.
Iginiit ng 103rd Infantry Brigade na paiigtingin pa nila ang operasyon laban sa mga natitirang elemento ng extremist groups upang matiyak ang seguridad ng mga komunidad.



Comments