top of page

Nasawi ang isang lalaki matapos barilin ng riding-in-tandem suspects sa Barangay Malangit, Pandag, Maguindanao del Sur

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Malangit.


Naganap ang pamamaril bandang alas-9:00 ng umaga, January 15, 2026.


Ayon sa ulat ng Pandag Municipal Police Station (MPS), ang biktima na kinilalang si alias "Raymart", nasa hustong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Lipao, Datu Paglas, Maguindanao del Sur, ay sakay ng isang Bajaj Kawasaki 100 nang mangyari ang insidente.


Ayon sa pulisya, binabaybay ng biktima ang barangay road ng Barangay Malangit, nang bigla na lamang itong tinutukan at pinaputukan ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo at walang plaka. Tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon matapos ang krimen.


Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Apat (4) na basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene at isusumite sa Provincial Forensic Unit ng Maguindanao del Sur para sa ballistic examination.


Agad na nagsagawa ng pursuit operation ang mga tauhan ng Pandag MPS, katuwang ang 21st Mechanized Company. Nagpatupad rin ang dragnet at checkpoint operations sa mga karatig na bayan.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page