Nasirang tulay sa Lemsnolon, T’boli, madadaanan na muli matapos ang agarang inayos ng pamahalaang panalalawigan
- Jan 5
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang sinapit ng tulay sa barangay Lemsnolon, T’boli, South Cotabato matapos ang pagragasa ng baha sa lugar.
Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Pamahalaang Panlalawigan, at ng mismong komunidad, agad na kumilos ang mga kinauukulan upang maibalik ang ligtas na daanan.
Mahigpit na tinutukan ni Governor Reynaldo Tamayo Jr ang pagsasaayos ng tulay na ngayon ay madadaanan na.
Ayon sa gobernador, hindi maaaring patagalin ang pagkilos lalo na kung apektado ang pang-araw-araw na galaw ng mga mamamayan.
Bukod sa pagkukumpuni ng tulay, agad ding naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga apektadong lugar. Namahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan sa Barangay Desawo, habang ipinadala naman ang heavy equipment sa Barangay Lemsnolon para sa river rechanneling at pagkukumpuni ng mga nasirang bahagi ng tulay.
Patuloy ang pagbabantay ng mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at masiguro na nananatiling maayos ang kalagayan ng lugar.
Sa huli, tiniyak ni Governor Tamayo na mananatiling handa ang Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato sa pagbibigay ng mabilis, tama, at maayos na pagtugon sa anumang sakuna—upang hindi maputol ang daloy ng buhay at kabuhayan ng mamamayan.



Comments