top of page

NATAGPUANG BANGKAY MATAPOS IULAT NA NAWAWALA ang isang Malaysian Chinese-National; biktima, inilibing sa Datu Piang, Maguindanao del Sur

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Hinukay ng mga pulis ang bahaging ito ng Barangay Masigay, Datu Piang, Maguindanao del Sur matapos makatanggap ng report alas 3:25 kahapon, araw ng Huwebes, March 25, mula sa kapitan ng barangay hinggil sa isang bangkay na inilibing sa lugar.


Sa paghuhukay, tumambad ang bangkay ng isang lalaki.


Ayon kay Maguindanao del Sur Provincial Police Office Spokesperson Police Captain Guiseppe Tamayo, ang natagpuang bangkay ay si Shang Lai Hong, 58-anyos, isang Malaysian-Chinese national.


Ayon sa awtoridad, mula sa Dagupan, Pangasinan ang biktima at nagtungo umano sa Mindanao.

Nauna nang iniulat sa local media na nawawala ang biktima.


Dinala na sa isang funeral parlor sa bayan ng Ampatuan ang biktima.


May hawak nang pangalan ang awtoridad sa sinasabing kasama ng biktima, ngunit hindi muna ito isinapubliko upang hindi makompromiso ang isinasagawang imbestigasyon.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page