NATIONAL ID VALIDATION Isinagawa ng MSSD para sa mga senior citizen beneficiaries sa Lanao del Sur
- Apr 16
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng MSSD ang National ID validation activity para sa mga indigent senior citizens sa Lanao del Sur noong Abril 6 at 13, 2026 bilang requirement ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens.
Sa bayan ng Bacolod-Kalawi noong Abril 6, 265 senior citizens ang na-validate at isinagawa rin ang orientation ukol sa guidelines sa pagbibigay ng benepisyo sa mga octogenarians, nonagenarians, at centenarians alinsunod sa Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act.
Sa bayan ng Binidayan noong Abril 13, 427 senior citizens ang na-validate.
Magtatagal ang aktibidad hanggang ngayong araw, April 16.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang MSSD NG 1,700 verified indigent senior citizens
Isasagawa rin ang kaparehong validation activity sa iba pang mga bayan sa probinsya upang matiyak na ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ay maitala at mapabilang sa programa.
Ang Social Pension Program for Indigent Senior Citizens ay isang nationally funded program na nagbibigay ng buwanang tulong-pinansyal sa mga indigent senior citizens para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.



Comments