NATIONAL WOMEN’S MONTH Ipinagdiriwang ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte; Mga programa ng Provincial Gender and Development (GAD) Office na nakatuon sa kababaihan, inilatag sa isang pro
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawang ang programa, araw ng Lunes, Marso 9, 2026 sa Maguindanao del Norte Provincial Government Center.
Layunin ng aktibidad na kilalanin ang mahalagang ambag ng kababaihan sa panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura, at pampulitikang pag-unlad ng lalawigan, gayundin ang pagsusulong ng gender equality at women’s empowerment.
Tinalakay rin sa programa ang iba’t ibang inisyatiba at programa ng Provincial Gender and Development (GAD) Office na nakatuon sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa kasarian at sa pagpapalakas ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataang babae sa lalawigan.
Pinangunahan ng Provincial GAD Office ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Dumalo rin sa programa si Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura bilang kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura.
Isinagawa ang pagtitipon kasunod ng regular flag ceremony ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan sa government center ng Maguindanao del Norte sa Simuay, Sultan Kudarat



Comments