NATIVE CHICKEN PRODUCTION AND MANAGEMENT TRAINING Pinalalakas ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center IX; OPAG Maguindanao del Sur, kabilang sa mga lumahok sa pagsasanay
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinalakas ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center IX ang kakayahan ng mga agricultural trainers matapos matagumpay na isagawa ang limang araw na Regional Training of Trainers (TOT) sa Native Chicken Production and Management mula Abril 6 hanggang 10, 2026, sa University of Southern Mindanao Compound sa bayan ng Kabacan.
Binigyang diin sa training ang pagpapalalim ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa pag-aalaga ng katutubong manok. Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tangapan ng Provincial Agriculturist kabilang na ang OPAG Maguindanao del Sur.
Layunin ng programa na hubugin ang mga kalahok bilang mga tagapagsanay na may sapat na kakayahan upang maipasa ang teknolohiya at tamang pamamahala sa native chicken production—isang mahalagang hakbang sa pagpapalago ng kabuhayan sa kanayunan at pagpapaunlad ng sustainable poultry enterprise.



Comments