top of page

NATUNTON AT NABAWI ANG PAYONG-PAYONG TRICYCLE Na tinangay matapos iparada sa labas ng CRMC habang nagpapa check-up sa pagamutan ang may-ari

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Bandang alas dos ng madaling araw kanina nang magtungo ang pamilya Abdulkadir Guimba sa Cotabato City Medical Center upang magpa-check up.


Sa gitna ng pagmamadali, naiwan umanong hindi naka-lock ang payong-payong.Paglabas nila ng ospital pasado alas tres ng madaling araw, doon na nila napansin na nawawala na ang kanilang payong-payong.


Agad nila itong hinanap sa paligid ngunit hindi na nila ito makita.


Agad namang ipinaalam ng pamilya sa mga awtoridad ang insidente. Nagpalabas din umano sila ng impormasyon sa mga presinto upang matulungan silang mahanap ang nawawalang payong-payong.


Nagpaalala naman ang pamilya sa publiko na tiyaking naka-lock at ligtas ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page