NAWALAN NG SUPPLY NG TUBIG ang ilang lugar sa Parang, Maguindanao del Norte matapos masira ang main pipeline na kumokonekta sa mga water system nito
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakaranas ng pansamantalang pagkawala ng tubig ang mga lugar mula Makasandag hanggang Poblacion ng Parang, Maguindanao del Norte, matapos bumagsak ang isang boulder sa main pipeline na nag-uugnay sa water system at reservoir sa Barangay Making ng bayan. Bandang alas-onse ng gabi nang mahulugan ng boulder ang main pipeline na matatagpuan sa Brgy. Makasandag dahil sa malakas na ulan, dahilan upang maputol ang linya ng tubig mula sa water treatment facility.
Sa ngayon, patuloy ang ibinabalik at pagbuo muli ng suplay ng tubig sa mga linya matapos ang insidente. Inaasahan namang tuluyang babalik sa normal ang suplay kung walang magiging aberya sa kuryente.
Sa ngayon, patuloy ang pagpupuno at pagbabalik ng tubig sa mga apektadong linya matapos masira ang main pipeline. Dahil sa na putol nito, napalabas ang lahat ng tubig sa system, at kasalukuyang pinapump up muli upang maibalik sa reservoir. Inaasahang babalik sa normal ang suplay kapag tuloy-tuloy ang kuryente at walang aberya.



Comments