top of page

NEGOSYANTE, ARESTADO sa operasyon ng pulisya sa Isulan, Sultan Kudarat; Suspek

  • Apr 8
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Isulan, Sultan Kudarat —

Arestado ang isang negosyante na Most Wanted drug suspect sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Kalawag 3. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Tina”, 28 taong gulang, negosyante, at residente ng nasabing lugar.


Ang suspek ay Top 8 Regional Level Most Wanted Person at naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Isulan Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang yunit kabilang ang Provincial Mobile Force Company, Provincial Forensic Unit, CIDG 12, at iba pang intelligence units.


Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Isulan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page