top of page

NEGOSYANTE AT KASAMA NITO, ARESTADO sa anti-illegal drug operation sa Midsayap, Cotabato; Hinihinalang shabu at baril, nakumpiska

  • Apr 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Cotabato Province—

Timbog ang isang negosyante at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Midsayap kung saan nakumisk ang baril at suspected shabu Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mongol”, 45 anyos, negosyante, at alyas “Bambi”, 40 anyos, walang trabaho, kapwa residente ng Poblacion 6.


Sa naturang operasyon, nakabili ang poseur buyer gamit ang marked money na ₱500, na nagresulta sa agarang pag-aresto sa mga suspek.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu bilang buy-bust item, labing-isang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber .38 revolver na may defaced serial number, isang bala, at ang buy-bust money.


Ang kabuuang timbang ng nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang 17.23 gramo na may halagang ₱117,164.00.


Isinagawa ang buy-bust operation bandang 9:20 PM ng Midsayap Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, katuwang ang iba’t ibang yunit kabilang ang CPPO, RMFB 12, RIU 12, at Naval Intelligence and Security Group, sa koordinasyon ng PDEA Region 12.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page