Negosyante mula sa General Santos City na kabilang sa Most Wanted ng Maguindanao del Norte PPO at nahaharap sa patong-patong na kaso ng estafa, arestado sa Tacurong City, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang negosyante mula sa General Santos City dahil sa patong-patong na kaso ng estafa. Ang suspek ay kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted Person ng Maguindanao del Norte .
Ang operasyon ay isinagawa bandang alas-6:20 ng gabi noong Setyembre 1, 2025, sa M and L Car Trading, KDX Avenue, Tacurong City, Sultan Kudarat, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa.
Ang akusado ay nahaharap sa limang magkakahiwalay na kaso na may tig-₱36,000 na inirekomendang piyansa at isa pang kaso na may parehong halaga ng piyansa.
Ayon kay PCol Eleuterio Ricardo Jr, ang Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng determinasyon ng kapulisan na tugisin at panagutin ang mga nagtatago sa kamay ng batas.
Sa kasalukuyan, dinala na sa opisina ng CIDG Sultan Kudarat PFU ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Comments