top of page

NEGOSYANTE, TIKLO Sa checkpoint operation ng pulisya sa bayan ng Linamon; ₱400K halaga ng smuggled cigarettes, nasabat

  • Mar 4
  • 1 min read

iMINDSPH


Tiklo ang isang negosyante matapos mahulihan ng tinatayang ₱400K halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint operation sa bayan ng Linamon.


Inaresto ng mga awtoridad ang isang 49-anyos na negosyante na kinilalang si alyas “Man”, residente ng Munai, Lanao del Norte, matapos itong masita sa isang routine checkpoint operation sa Linamon.


Ayon sa ulat, minamaneho ng suspek ang kotse na bumiyahe mula Munai patungong Iligan City nang ito ay ma-flag down ng mga awtoridad. Sa isinagawang inspeksyon, napansin ng mga operatiba ang isang ream ng hinihinalang smuggled cigarettes na nakabalot sa transparent cellophane at nakalagay sa likurang upuan ng sasakyan.


Nang hingan ng kaukulang dokumento ang driver, nabigo itong makapagpakita ng anumang papeles, dahilan upang pigilan ang sasakyan at isailalim sa mas masusing inspeksyon.


Nakumpiska mula sa sasakyan ang siyam daan-daang reams ng puslit na sigarilyo


Dinala ang suspek sa Linamon Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon, habang ang sasakyan at mga nakumpiskang sigarilyo ay nasa kustodiya ng 1st PMFC Lanao del Norte. Ang mga nasamsam na produkto ay ipapasa sa Bureau of Customs sa Iligan City para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page