Newly elected officials ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, sumailalim sa orientation hinggil sa implementasyon ng 4Ps program
- Diane Hora
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) ang orientation sa mga newly elected officials ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte hinggil sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nanguna sa orientation si Mayor Datu Armando Mastura Sr., kung saan ipinahayag nito ang suporta sa pagpapatupad ng 4Ps.
Dumalo rin sa orientation ang mga bagong halal na opisyal at iba pang pangunahing stakeholders, kabilang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, LGU 4Ps focal persons, Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs), at mga kasapi ng Advisory Council.
Tinalakay sa programa ang kabuuang balangkas ng 4Ps, ang pagpapalakas ng lokal na pagtutulungan sa ilalim ng Kilos-Unlad Framework, at ang mga tungkulin ng Advisory Council bilang pangunahing katuwang sa pagpapatupad ng programa.
Ang nasabing programa ay mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang suporta ng mga LGU, matiyak ang pagpapatuloy ng serbisyo, at mapagtibay ang kolaborasyon sa paghahatid ng mga programang panlipunan para sa mga mamamayan ng Bangsamoro.



Comments