NTERIM GOVERNMENTMahalaga ang papel sa paggabay sa transition sa rehiyon at ang pangangailangan na maisalin ang batas sa konkretong benepisyo para sa mga komunidad ayon kay Speaker Yacob
- 6 days ago
- 2 min read
iMINDSPH

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga lider ng rehiyon at lokal na pamahalaan sa 1st Bangsamoro Government Executive-Legislative Forum, binigyang-diin ni Speaer Mohamad Yacob ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng Parliament, executive, at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga polisiya.
Aniya, gaano man kalakas ang mga batas na ipinapasa ng Parliament, nagiging makabuluhan lamang ang mga ito kapag nararamdaman sa mga komunidad. Binigyang-diin din niya ang magkatuwang na papel ng Parliament sa pagbibigay ng direksyon sa polisiya at ng mga LGU sa paghahatid ng resulta sa mamamayan.
Ibinahagi ni Yacob ang mga nagawa ng Parliament mula nang maitatag ang BARMM noong 2019, kung saan 89 na batas ang naipasa at 589 na resolusyon ang naaprubahan, kabilang ang mga priority codes na itinakda ng Bangsamoro Organic Law.
Kabilang dito ang mga batas sa administrasyon, civil service, edukasyon, lokal na pamahalaan, eleksyon, at karapatan ng mga katutubong mamamayan na nagsisilbing gabay sa pamamahala at pagpapaunlad ng mga institusyon sa rehiyon.
Ayon kay Yacob, ang mga ito ay hindi lamang simpleng batas kundi matibay na pundasyon ng progreso upang mapalakas ang pamamahala at kaunlaran sa Bangsamoro. Binigyang-diin din niya na ang mga lokal na opisyal ay hindi lamang tagapagpatupad kundi katuwang sa pagbuo ng Bangsamoro.
Muli niyang iginiit ang mahalagang papel ng Bangsamoro Parliament sa pagpapatibay ng mga institusyon sa panahon ng transisyon, sa pamamagitan ng legislative, representative, at oversight functions.
Hinimok din ni Yacob ang mga LGU na itugma ang kanilang mga lokal na ordinansa sa mga batas ng rehiyon at palakasin ang koordinasyon upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo.
Aniya, ang Parliament ang gumagawa ng mga batas, ngunit ang mga lokal na pamahalaan ang nagbibigay-buhay sa mga ito sa komunidad.
Dagdag pa niya, ang mga prayoridad na panukala tulad ng Revenue Code, Investment Code, at mga programang panlipunan ay layong palakasin ang ekonomiya at inklusibong kaunlaran.
Binigyang-diin din ni Yacob ang kahalagahan ng koordinasyon, konsultasyon, at pagbabahagi ng datos upang masuportahan ang evidence-based policymaking.
Aniya, nakasalalay sa matibay na ugnayan ang tagumpay ng mga batas.
Ipinunto rin niya ang mga hakbang para sa transparency at accountability, kabilang ang pagpapatupad ng “open Parliament portal” at patuloy na livestreaming ng mga sesyon.
Ayon kay Yacob, mahalaga ang transparency at accountability upang mabuo ang isang Parliament na tunay na kumakatawan sa mamamayan ng Bangsamoro.
Binanggit din niya ang koordinasyon sa mga pambansang ahensya tulad ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity upang mapanatili ang kapayapaan at masuportahan ang transisyon ng rehiyon.
Sa huli, nagpahayag si Yacob ng positibong pananaw sa patuloy na pag-usad ng BARMM at nanawagan ng pagkakaisa ng mga lider.
Aniya, kailangang magtulungan ang Parliament, executive, at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maramdaman ng bawat komunidad ang pangako ng Bangsamoro.



Comments