top of page

Nurse ng Cotabato Regional and Medical Center, sugatan matapos barilin habang papauwi na sa kanilang bahay sa Rosary Heights 7, Cotabato City

  • Diane Hora
  • Apr 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang biktima na si Rizalinda Tulio, 36-anyos residente ng Oblates Drive ng nasabing barangay.



Sa imbestigasyon ng otoridad, mula sa trabaho ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay ng barilin ng hindi pa kilalang suspek alas 7:45 ng umaga, araw ng Sabado.


Tinamaan ang biktima sa braso nito na agad isinugod sa CRMC.


Narekober ng otoridad sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa caliber .45 na baril. Isusumite naman ang mga ito sa RFU-BAR at isasailalim sa Ballistic Examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page