top of page

NYVC AT FRANCE VOLOTAIRES -PHILIPPINES SEA THE FUTURE RE-ECHOING PROGRAM Matagumpay na isinagawa sa Marawi City

  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagpasalamat ang mga organizer sa lahat ng lumahok sa aktibidad, na nagpakita ng oras, sigla, at dedikasyon sa pagsusulong ng youth-led ocean action. Ayon sa kanila, naging makabuluhan at inspirasyonal ang pagtitipon dahil sa aktibong pakikilahok ng mga kabataan.


Isinagawa ang programa sa tulong ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia, katuwang ang Infinitea Capitol Hill - Awar Street, Mindanao Institute of Technology (MIT), Bangsamoro Peoples Party, Rambayong Council, at ang tanggapan ni Member of the Parliament at Deputy Floor Leader sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament na si Atty. Ras Mitmug.


Layunin ng inisyatiba na palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng karagatan at sa pagsusulong ng sustainable development.


Binigyang-diin ng mga organizer ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalikasan at mapalakas ang mga komunidad, bilang hakbang tungo sa mas napapanatiling kinabukasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page