Oath-taking at signing ng appointments para sa mga newly hired employees ng Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Marawi City, isasagawa ng MBHTE sa October 15, 2025
- Diane Hora
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH
Pormal nang manunumpa at lalagda sa appointment papers ang mga newly hired employees ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education mula sa Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Marawi City.
Isasagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa Octobetr 15, 2025 ang panunumpa at appointment signing para sa mga bagong hired na mga empleyado mula sa Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Marawi City.
Ito ay sa pamamagitan ng Human Resource and Management Division.
Gaganapin ito alas tres y medya ng hapon, bukas, araw ng Miyerkules, a kinse ng Oktubre sa Notre Dame Village Central Elementary School Covered Court.
Ang mga newly-hired and appointed personnel ay kailangang magdala ng kaukulang dokumento na makikita sa link na nasa facebook page ng MBHTE.




Comments