Ocular inspection sa mga lugar na pagdadausan ng converngence program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte ngayong linggo sa bayan ng Matanog at Barira, isinagawa
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Upang ma-assess ang kahandaan, accessibility, at logistical arrangements, ikinasa ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte ang ocular inspection sa mga lugar na pagdadausan ng convergence program sa bayan ng Barira at Matanog.
Itinakda ang program sa a-11 at a-12 ngayong Pebrero. Nanguna sa inspeksyon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-MDN)sa pamumuno ng OIC na si Engr. Muslimin Paglala.
Sa ilalim ng direktiba ni Governor Datu Tucao Mastura, nanguna din sa pagsiguro ng banayad, ligtas at organisadong convergence si Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura.
Ang convergence program ang isa sa mga flagship programs ng gobernador sa ilalim ng programang DTOM o Development, Transformation, at Opportunity for Maguindanao del Norte.



Comments