top of page

Office of the Provincial Agriculturist ng South Cotabato, pinarangalan bilang best presenter sa food systems and resilience sa ginanap na 2025 National Extension Conference

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinagmamalaki ng Provincial Government ng South Cotabato ang panibagong natamong parangal matapos kilalanin ang Office of the Provincial Agriculturist o OPAG na best presenter sa 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 parallel session sa 2025 National Extension Conference sa Cavite State University, Indang, Cavite.


Isinagawa ito mula October 8 hanggang October 9.


Kinatawan ng Provincial Government of South Cotabato si Paula Joy Candido kung saan kanyang iprenisinta ang pag-aaral na pinamagatang “Reframing Inclusive Development through the Consolidated Rice Production and Mechanization Program in South Cotabato.”


Ang research paper na ito ay nagpapakita ayon sa pamahalaang panlalawigan kung paano nakakatulong ang extension interventions bilang isang framework sa pagpapalaganap ng inclusivity, collaboration, and sustainability sa sektor ng agrikultura.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page