Office on Health Services at Cotabato Regional and Medical Center, nagsagawa ng breast cancer screening caravan
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month, matagumpay na nakipagtulungan ang Office on Health Services sa Cotabato Regional and Medical Center para sa isinagawang Breast Cancer Screening Caravan 2025 na ginanap sa Cotabato City Gymnasium, People's Palace.
Binigyang-diin sa caravan ang kahalagahan ng tamang pagsusuri sa sarili o self-breast examination upang maagang matukoy ng kababaihan ang anumang abnormalidad o bukol sa kanilang suso.
Ang maagang pagtuklas ng mga sintomas ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng pagkakataong makapagpakonsulta agad sa doktor, na siyang magpapatunay kung ang bukol ba ay kanser o hindi.
Ang maagap na deteksiyon o early detection ang itinuturing na pinakamahalagang hakbang sa pagbibigay lunas o tuluyang pagpuksa sa kanser sa suso.
Tinalakay rin sa sesyon ang mga hakbang na maaaring isagawa upang maiwasan ang sakit, tulad ng pagpapanatili ng healthy lifestyle at pagkain ng mga wastong nutrisyon na nagpapalakas sa resistensya ng katawan.



Comments