top of page

Oil at gas exploration sa Mapun, Tawi-Tawi, kabilang sa 8 petroleum service contracts na iprenisinta at nilagdaan sa Malacañang ngayong araw na sinaksihan ng mga opisyal ng rehiyon

  • Diane Hora
  • Oct 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kasama ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE), isinagawa ang presentation ng walong (8) Petroleum Service Contracts (PSCs) sa isang seremonya na ginanap sa Kalayaan Hall, Malacañang Palace ngayong Oktubre 8, 2025.


Sa ilalim ng Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP) — isang transparent at competitive system para sa pagbibigay ng Service o Operating Contracts sa coal at petroleum exploration — sinuri ng DOE ang mga aplikasyon ng mga kumpanyang legal, technically, at financially qualified na pumasok sa PSCs para sa kani-kanilang lugar.


Inilunsad noong 2018, layunin ng PCECP na tuklasin at paunlarin ang potensyal ng bansa sa larangan ng enerhiya, lalo na sa mga pre-determined at nominated areas.


Kabilang sa mga bagong PSCs na ipinrisenta ngayong araw ang mga exploration areas sa Sulu Sea, Cagayan, Cebu, Northwest Palawan, East Palawan, at Central Luzon — mga rehiyong kinikilala bilang may mataas na potensyal para sa petroleum resources.


Sinasaksihan naman ng mga opisal ng BARMM Government sa pangunguna ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, ang paglagda ng Department of Energy at ng MENRE sa Petroleum Service Contracts para sa oil at gas exploration sa Mapun, Tawi-Tawi, BARMM.


Tanda ito ani Macacua ng bagong kabanata sa paglalakbay tungo sa energy security at inclusive progress—na naka angkla sa moral governance, responsible stewardship, at pangmatagalang kapayapaan para sa Bangsamoro.iMINDSPH



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page