top of page

OIL PRICE HIKE, FARE INCREASE ramdam na ang epekto sa araw-araw na pamumuhay mula sa kita ng mga driver hanggang sa gastusin ng mga pasahero

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Tila iisa ang sentimyento ng karamihan. Lahat ay apektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, kasabay ng dagdag na pasanin sa pamasahe na inaasahan ng marami.


Ilan sa mga mamamayan ang nagbahagi ng kanilang saloobin


Sa panig naman ng mga driver, direktang naapektuhan ang kanilang kita dahil halos sa gasolina na lamang napupunta ang kanilang kinikita.


Hindi lamang driver at commuter ang apektado, kundi pati ang mga pamilyang umaasa sa araw-araw na kita.


Maging ang mga estudyante ay ramdam ang epekto ng pagtaas ng gastusin.


Iba’t ibang paraan naman ang ginagawa ng ilan upang makatipid at makahanap ng alternatibong solusyon sa araw-araw na gastusin, tulad nina Junilo at Liza na nagbibisikleta at naglalakad papunta sa kanilang trabaho.


Sa kabila ng pagtaas ng presyo, napipilitan na lamang ang ilang maliliit na negosyosyante na makasabay sa gastusin.


Hindi maikakaila na hindi lang ang isang ordinaryong Juan dela Cruz ang apektado sa nararanasang krisis sa langis na nagresulta rin panawagang taasan ang pamasahe, patunay na ang usaping ito ay patuloy na hamon sa araw-araw na pamumuhay ng bawat isa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page