top of page

One-Time Service Recognition Incentive na hanggang ₱20,000 para sa kwalipikadong kawani ng pamahalaan, inaprubahan ni PBBM

  • Dec 16, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at patuloy na serbisyo, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Administrative Order No. 40 na nagbibigay ng one-time Service Recognition Incentive (SRI) na hanggang ₱20,000 para sa mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan.


Sa ilalim ng kautusan, saklaw ng insentibo ang mga civilian government employees, military at uniformed personnel, gayundin ang mga kawani ng Executive, Legislative, at Judicial branches ng pamahalaan.


Samantala, ang pagpapatupad ng SRI para sa local government units (LGUs), local water districts (LWDs), at government-owned and controlled corporations (GOCCs) ay isasagawa alinsunod sa umiiral na mga patakaran at sa availability of funds, batay sa mga alintuntunin ng Department of Budget and Management (DBM).


Ayon sa pamahalaan, ang insentibong ito ay patunay ng pagkilala sa sakripisyo at pagsusumikap ng mga kawani ng gobyerno sa paghahatid ng serbisyong publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page