Online Seller ng ATM Card, arestado sa Ormoc City, Leyte, matapos magkasa ng cyber entrapment operation ang pulisya
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang online seller na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng ATM cards.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Samboy”, 29-anyos. Bandang alas-3:45 ng haponm, February 18 nang magsagawa ng operasyon ang Ormoc City Cyber Response Team.
Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang suspek sa ilegal na pagbebenta online ng financial account sa pamamagitan ng Automated Teller Machine o ATM card.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5(d) ng Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.



Comments