top of page

Operasyon ng militar sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur kung saan 1 sundalo ang nasawi at 1 ang sugatan, wala umanong kinalaman sa nangyaring pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan

  • Diane Hora
  • Jan 28
  • 2 min read

iMINDSPH

Hindi magkaka-ugnay ang inilunsad na decisive operation ng militar sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur sa naganap na pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, kung saan nakasagupa ng militar ang grupo ng Dawlah Islamiya-Hassan Group


Ito ang pagbibigay linaw ni 601st Brigade Commander Brigadier General Edgar Catu.


Naganap ang sagupaan sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur, Martes ng umaga nitong Enero 27.


Gen. Edgar Catu

Commander ng 601st Infantry Brigade

(Ah, yung nangyari, naitanong mo na rin man 'no? Yung nangyari sa Over ngayon, it's entirely separate team.Walang kinalaman, ibang grupo yung hinahabol namin doon.

Dahil even before nangyari yun, nandoon na kami.

Ah, may hinahanap kami. Ah, fortunately nakita namin.

Hanggang ngayon nandoon sa taas.)


Nagpapatuloy pa ang operasyon sa lugar. Sinabi ng heneral na may nasawi at sugatang sundalo at mayroon din umanong sugatan sa panig ng DI-Hassan Group


Gen. Edgar Catu

Ay yung hindi ko masabi kasi yung mga names dahil ah, we have to respect yung ano ng organization. We have to inform the family.

'No?

Ah, kasi maraming speculation.

Ah, minsan mauna pa yung sinisisi kami ng ano. Mauna pa yung ibang tao makaalam.

So, please respect natin yun.

Ah, may wounded. May casualty kami.

Ah, okay.

Tatlo. Tatlo.

Ang wounded sir?

Isa.

Hindi kasama yung ano eh.

I-clarify ko 'no.

Basta ang pag sinabi naming casualty, either wounded or ano.

Kasi hindi natin ma-confirm hanggang hindi natin malapitan 'no.

Ang tatlo apat. Apat yung sa ano. Sa EST. All from Sa tatlo. Tatlo.

Tatlong casualty wounded 'no.

Na hindi pa natin alam kung ano yung status na tunay na status until such time na maano natin, ma-confirm natin.)


Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na makipagtulungan at magbahagi ng impormasyon upang mas mapabilis ang operation ng militar.


Gen. Edgar Catu

(Nakita niyo gaano kalapad yung ano yung lugar.

So, with that, may gap kami. Aminin namin, may gap kami. Hindi namin ma-cover lahat yan.

So, ibabalik ko sa inyo yung tanong. Ano yung pwede niyong itulong sa amin?

So, nananawagan kami ngayon.

Sa civilian, sa inyo.

Kung meron kayong alam para mapadali yung trabaho namin, tulungan niyo kami ng information.

Yun yun yung ano.

Meron hindi kami titigil hanggang hindi mawala yan. Namatayan kami, namamatayan, nasusugatan, pero hindi kami titigil na ipagtanggol kayo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page